Pag-aaralan ng Senado na limitahan ang holidays sa bansa.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, nagkasundo ang mga senador na limitahan ang bilang ng mga holidays sa Pilipinas matapos makita na katumbas ng higit isang buwan ang dami ng holidays.
Balak imungkahi ng Senado na pag-isahin na lamang ang petsa ng paggunita ng kapanganakan at kamatayan ng ilang mga bayani at pag-isahin ang mga holidays na may iisang diwa tulad ng Araw ng Kagitingan at National Heroes Day.
Bukod dito, iba-iba pa aniya ang holidays na mayroong national, local at religious holidays at ang mga ito ay walang pasok sa trabaho at kailangang bayaran ng double pay ang mga papasok.
Batid ni Escudero na magkakaroon ng pagtatalo-talo rito pero maiging mapag-usapan na rin dahil sa dami ng holidays ay nagiging less competitive ang bansa at ang mga manggagawa.