
Pinag-aaralan na rin ni Blue Ribbon Committee Acting Chairman Erwin Tulfo na isama na rin sa imbestigasyon ng komite ang overpriced na farm-to-market-roads (FMR) na kinasangkutan din ng DPWH.
Ayon kay Tulfo, marami na silang naririnig sa isyu ng FMR na kabilang din sa mga negosyo ng ilang contractors at hiwalay pa ito sa flood control projects.
Sa kaniyang pagtaya ay maaring magkaroon ng dalawa pang hearing sa Flood Control bago mag-focus sa FMR at iba pang isyung lalabas.
Asahan na ipapatawag na sa flood control anomalies sina dating Speaker Martin Romualdez at dating Cong. Zaldy Co.
Sinabi ni Tulfo na maaaring may dalawa pang pagdinig na isagawa ang Blue Ribbon Committee tungkol sa ghost at substandard flood control projects bago sila dumako sa pagsisiyasat sa overpriced na FMR.
Balak naman ng senador na sa pagbabalik na ng sesyon sa November 10 magtakda ng petsa ng pagdinig dahil sa huling linggo ng Oktubre ay nakabakasyon na ang ilang mga kasamahan para sa Undas break.









