Senado, pinagpapaliwanag ang DOTr tungkol sa kakapusan ng mga beep cards

Hinihingan ng paliwanag ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa kakapusan ng beep cards.

Sinabi ni Poe na ang pagpila para sa pagbili ng bawat single journey ticket ay malaking pag-aaksaya sa mga commuters.

Iginiit din ng senadora na bigyang linaw ng DOTr ang isyu na dahil sa kakapusan ng beep cards ay marami ang napipilitang bumili sa mas mataas na presyo.


Binigyang-diin ng senador na ang kakapusan ng beep cards ay maituturing na hadlang sa misyon ng gobyerno na i-digitalize ang transportation payment scheme at gawin itong mas ligtas at mas madali sa mga pasahero.

Ipinaalala ni Poe na naglaan ang gobyerno ng bilyong pisong pondo para sa development at modernisasyon ng railways system kaya’t dapat anyang maramdaman ng tao ang resulta ng kanilang pinaghirapang ibinayad na buwis sa gobyerno.

Facebook Comments