Senado, pinagpapaliwanag sa pagtapyas sa pensyon ng mga beterano sa 2019 budget

Kinukwestyon ngayon ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr. Kung ano na ang mangyayari sa benepisyo ng mga beterano matapos na tapyasan ng Senado ang Pension and Gratuity Fund ng Department of National Defense (DND) sa ilalim ng 2019 budget.

 

Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan, hinihingan ng paliwanag ng Kamara ang Senado sa mga budget cuts na ginawa sa budget na hindi umano ipinaliwanag sa bicameral conference committee.

 

Aabot sa P39 Billion ang ibinawas sa Pension and Gratuity Fund na dapat ay para sa pensyon ng mga war at military veterans.


 

Kasama sa benepisyong ito ang AFP retirees, retired uniformed personnel ng DILG, mga retirado ng Philippine Constabulary-Integrated National Police, retired Philippine Coast Guards at iba pang retirees ng national government.

 

Nagsagawa ng budget cuts at realignment sa mga items na nakapaloob sa pambansang pondo ang Senado at hinihintay pa rin ngayon ang detalyadong report sa ginawang pagtapyas sa pondo sa ilang mga programa at proyekto.

Facebook Comments