Senado, pinaiimbestigahan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng sibuyas

Pinaiimbestigahan ni Senator Imee Marcos sa Senado ang patuloy na tumataas na presyo ng mga lokal na sibuyas.

Sa ilalim ng Senate Resolution 350 na inihain ng senadora, pinatutukoy ng mambabatas ang dahilan ng mataas na presyo.

Punto ng senadora, sa kabila ng paglalagay ng retail cap na P170 kada kilo ng sibuyas noong Oktubre ay nananatili pa ring mataas ang presyo ng red onion sa mga pamilihan.


Batay aniya sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang noong Nobyembre pa lang ay pumapalo sa P280 hanggang P300 kada kilo ang bentahan ng lokal na pulang sibuyas sa mga palengke.

Nai-refer na sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ang naturang resolusyon.

Facebook Comments