Senado, pinalalagyan ng pondo ang mental health program ng DepEd

Pinalalagyan ni Senator Sherwin Gatchalian ng line item sa 2024 budget ng Department of Education (DepEd) ang programa para sa mental health.

Kaugnay na rin ito sa nakakabahalang pagtaas ng insidente ng bullying sa mga paaralan at bilang ng mga mag-aaral na nagpapakamatay o nagtatangkang magpakamatay.

Napuna ng senador na sa ngayon ay walang tiyak na pondong nakalaan sa DepEd para sa mga programa sa mental health sa mga magaaral.


Isinusulong ni Gatchalian na mabigyan ng inisyal na pondo na P160 milyon ang mental health program ng ahensya.

Layunin dito na matugunan ang problema sa mental health ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglikha ng “Strengthening Mental Health Programs and Advocacies.”

Sa datos, mula 2017, ang bilang ng mga mag-aaral na nagtangkang magpakamatay ay umabot na sa 7,892 at 1,686 naman ang tuluyan nang nagpakamatay.

Facebook Comments