Senado, pinalilikha ang OWWA ng “special assistance fund” para sa OFWs na nawalan ng trabaho

Pinalilikha ng Senado ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng isang special assistance fund para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho.

Sa Senate Bill 1415 na inihain ni Senator Mark Villar, nasa P500 million ang ipinalalaan nito na special assistance fund na bukod sa regular na budget ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa pagtulong sa distressed OFWs.

Sa ilalim ng panukala, ang lilikhaing special fund ay para sa repatriation, pang-anim na buwan na medical assistance at gamot, migration fees para sa mga nag-overstaying at para sa iba pang kailangan kapag nagka-emergency o nakulong.


Nakasaad din na maaaring pabigyan ng hanggang P50,000 na lump sum ang OFW kapag naging biktima naman ito ng pang-aabuso ng employer o kaya ay napauwi dahil sa natural o man-made disaster sa lugar na pinagtatrabahuan.

Tinukoy ni Villar na taun-taon ay may OFWs na nagkakaproblema habang nasa abroad at kaya mahalaga na may agad na tulong na magagamit ang mga itinuturing na bayani na OFWs.

Facebook Comments