Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbibigay ng free internet sa mga pampublikong lugar.
Sa deliberasyon para sa panukalang P8.73 billion 2023 budget ng DICT, nakwestyon ni Gatchalian ang implementasyon at pagtugon ng ahensya sa Republic Act No. 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act.
Batay sa DICT, mayroon na silang free internet access sa 852 public areas at plano nilang itaas ito sa 15,834.
Bukod sa public schools at state colleges and universities, saklaw ng DICT sa pagbibigay ng free internet services ang mga plaza at tourist sites.
Pinagtatakda naman ang DICT ng eksaktong target o timeline para sa pagbibigay ng free internet service lalo na sa mga lugar na may mahirap na internet connection.