Senado, pinawi ang pangamba ng publiko sa MIF

Pinawi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pangamba ng mga Pilipino na maabuso ang itatatag na Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito’y matapos na makapasa sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang MIF Bill at kanina ay madali rin itong nakalusot sa bicameral conference committee matapos na tanggapin ng Kamara ang inaprubahang bersyon ng Mataas na Kapulungan.

Nanawagan si Zubiri sa mga kababayan na huwag nang mag-alala sa Maharlika Fund dahil inilagay na ng Senado ang lahat ng safeguards na pwede nilang maisama sa panukala.


Bukod sa mga safeguards ay ipagbabawal na ang anumang kontribusyon mula sa GSIS, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, PVAO, OWWA fund at iba pang trust funds na nasa ilalim ng proteksyon ng gobyerno.

Tiniyak naman ni Banks, Financial Institutions and Currencies Chairman Senator Mark Villar na may matibay na safeguards ang MIF na inilagay ang Kongreso.

Kasama aniya sa magbabantay sa sovereign wealth fund ang mga board members ng Maharlika Investment Corporation, advisory board, oversight committee ng Kongreso, internal-external audit at ang Commission on Audit (COA).

Facebook Comments