
Inaprubahan ni Senate President Tito Sotto III ang hiling ni Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na 12-hour leave ngayong araw ni dating Bulacan Asst. District Engineer (D.E) Brice Hernandez.
Ito ay para makakalap ng mga dokumento at ebidensya si Hernandez na makatutulong sa komite para sa iniimbestigahang maanomalyang ghost flood control projects.
Mananatili sa ilalim ng pagbabantay at kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms si Hernandez habang nasa labas at pagkatapos ay ibabalik din agad sa Senado.
Anumang ebidensyang makakalap ni Hernandez ay ibabahagi ng Blue Ribbon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sa Office of the Ombudsman, at sa Department of Justice (DOJ).
Ito naman ay para matiyak na tama ang mga mairerekomendang legislative measures, matutugunan ang problema sa korapsyon at palalakasin ang accountability sa mga public officials.









