Senado, posibleng mag-apruba ng budget na mas mababa sa NEP

Hindi malabong magpasa ang Senado ng 2026 national budget na mas mababa kumpara sa proposed P6.793 trillion na budget ng National Expenditure Program (NEP) na panukalang pondo ng ehekutibo.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, sa ilalim ng batas ay pinapayagan ito.

Sa batas ay pwedeng bawasan ng Kongreso ang NEP ng pangulo pero hindi naman ito pwedeng higitan.

Sinabi ni Gatchalian na maraming nakita na posibleng tipirin at tapyasan dahilan kaya posibleng mas mababa sa NEP ang maipasang General Appropriations Bill o national budget ng Senado.

Kung matatandaan, ilan sa mga posibleng matapyasan ay ang budget ng mga kwestyunable at hindi beripikadong proyekto partikular sa mga infrastructure projects.

Sinabi ng senador na magiging maganda ito dahil bababa rin ang posibleng utangin ng gobyerno at bababa ang budget deficit ng bansa.

Sa kabilang banda, kung may matitipid man ang pamahalaan ay nasasayangan si Gatchalian sa hindi magagamit na pondo sa halip na ilipat ito sa mas mapapakinabangan na proyekto.

Facebook Comments