Senado, sasamantalahin ang isang taong postponement sa BSKE para maisulong ang dagdag sweldo at iba pang benepisyo ng mga opisyal sa barangay

Sasamantalahin ng Senado ang isang taong pagpapaliban sa Barangay at SK Elections (BSKE) para maisulong ang dagdag na sweldo at benepisyo sa mga opisyal ng barangay.

Gagamitin na pagkakataon ng Mataas na Kapulungan na talakayin ang Magna Carta for Barangays kung saan bibigyan ng mas mataas at regular na sahod at allowance ang barangay officials at workers.

Sa kasalukuyan kasi ay honoraria lamang ang natatanggap ng mga opisyal ng barangay.


Iginiit ni Go na nararapat lamang silang bigyan ng makatwirang sweldo at allowances na tulad sa mga regular na empleyado ng gobyerno dahil mabigat ang kanilang responsibilidad na bantayan ang kanilang nasasakupan.

Kasama rin sa mga panukala na isusulong ang pagbibigay sa mga barangay health worker ng security of tenure at buwanang allowance na tatlong libong piso.

Una nang isinabatas ng pangulo ang pag-urong sa petsa ng BSKE sa Oktubre 2023.

Facebook Comments