
Tiniyak ng Senado na walang mahalagang dokumento ang nadamay matapos ang muntik na sunog na nangyari kahapon sa isa sa mga opisina ng mataas na kapulungan.
Pumutok at biglang nagliyab sa opisina ng Bills and Index ang isang power bank na china-charge at nakasaksak sa isang extension cord.
Agad namang naagapan ang pagliyab ng power bank gamit ang fire extinguisher.
Kinumpirma rin ng opisina ng Senate President na walang mahalagang dokumento ang nadamay sa insidente.
Sinuri rin ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente at chineck din ang electrical system ng buong gusali.
Kung matatandaan, November 30 nang magkasunog sa isa sa mga opisina ng Senado dahil pumutok ang electric kettle na naiwanang nakasaksak.
Facebook Comments










