Senado, sisikaping gawing makatarungan ang ipapasang tax reform package

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Grace Poe na dapat matiyak na makatarungan para sa lahat ng mamamayang Pilipino ang ipapasang tax reform package.

Tugon ito ni Poe sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senado na ipasa ang isinusulong na tax reform package ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Poe gusto naman nilang magkaroon ng sapat na pondo ang gobyerno para maisakatuparan ang mga plano at pograma nito.


Pero kung aalisin o ibaba nga ang income tax at itataas naman ang buwis na ipinapataw sa mga mahahalagang produkto tulad ng petrolyo at iba pang pagkain ay baka hindi rin ito makatulong sa publiko.

Samantala, nagustuhan naman ni Senator Poe ang mga nabanggit ng pangulo sa katatapos na State of the Nation Address o SONA.

Pero sana, ayon kay Poe, ay isinulong ng pangulo na gawing priority bill ang panukalang emergency powers na reresolba sa matinding problema sa trapiko sa ibat ibang panig ng bansa lalo na Sa Metro Manila.

Hinanap din ng senadora ang pagbanggit sa freedom of information bill at contractualization.

Facebook Comments