Senado, sisilipin muna ang naging paggastos ng DOH sa pondo bago talakayin ang kanilang 2022 budget

Sisilipin muna ng senado kung papaano ginastos ng Department of Health (DOH) ang pondong ibinigay sa kanila noong nakaraang taon bago talakayin ang magiging budget nila para sa 2022.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hiwalay pa ito sa iniimbestigahan nila sa DOH kaugnay sa report ng Commission on Audit (COA) sa sinasabing ₱67 billion na pondo.

Pero ayon kay Sotto, hindi lamang ang DOH ang kanilang bubusisiin kundi ang iba pang ahenisya na nasilip din ng COA.


Facebook Comments