Senado, target na ma-sponsoran sa plenaryo ang 2026 national budget sa November 11

Target ng Senado na ma-sponsoran sa November 11 ang 2026 General Appropriations Bill (GAB) na aabot sa P6.793 trillion.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, pagkatapos ng araw ng Martes ay bubuo na sila ng internal na Technical Working Group (TWG).

Dito nila i-re-reconcile o pagkakasunduin ang hiling ng ilang ahensya ng gobyerno na dagdagan ang kanilang budget.

Balak ng mataas na kapulungan na kunin ang idaragdag na pondo sa mga ahensyang may mga kwestyunableng items o proyekto tulad ng DPWH at sa iba pang departamento na hindi naman karapat-dapat.

Gayunman, bago ito aprubahan, ito ay isasangguni muna sa ehekutibo upang hindi na maulit ang naging problema ngayong taon kung saan nagulat na lamang ang ehekutibo na may dagdag-bawas sa mga ahensya.

Facebook Comments