
Inaasahang sa taong 2027 pa makakalipat ang Senado sa New Senate Building (NSB) sa Taguig City.
Ayon kay Senator Alan Peter Cayetano, sisikapin nilang makalipat sa kalagitnaan ng 2027 upang makabawas sa gastos ng Mataas na Kapulungan partikular sa pagrerenta ng gusali ng GSIS.
Gayunman, aabutin ng anim hanggang isang taon ang paglilipat nila sa bagong gusali.
Sa ngayon ay tinatapos na aniya nila ang report tungkol sa new Senate building.
Target aniya nila itong maipresenta sa susunod na linggo kasabay ng pagsisimula ng 20th Congress.
Facebook Comments









