Senado, tatalakayin sa Lunes ang planong pag-imbita kina Cong. Zaldy Co at dating Speaker Martin Romualdez sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee

Magdaraos ng caucus ang mga senador sa Lunes para pag-usapan ang pagpapatawag ng Senate Blue Ribbon Committee kay Cong. Zaldy Co at dating Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, bilang kortesiya ay planong imbitahan sina Co at Romualdez pero ito ay isasapinal pa nila sa gaganaping caucus.

Gayunman, dahil sa inter-parliamentary courtesy ay hindi pwedeng pwersahin ang dalawang kongresista na dumalo sa pagdinig ng Senado.

Samantala, kung si Senator Erwin Tulfo ang tatanungin, nais niyang alisin muna ang inter-parliamentary courtesy para maimbitahan ang mga kongresistang isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Matatandaang una nang pinahayag ni Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson na labag sa tradisyon ng inter-parliamentary courtesy ang pagiimbita sa mga mambabatas mula sa kamara.

Facebook Comments