Senado, tinaasan pa ang budget ng PNP sa 2024

Tinaasan ng Mataas na Kapulungan ang budget ng Philippine National Police (PNP) sa 2024.

Para sa susunod na taon ay dinagdagan pa ng Senate Committee on Finance ng ₱807 million ang panukalang 2024 budget ng PNP.

Sa budget deliberation ng Senado, sinabi ni Senator Sonny Angara, sponsor ng PNP budget, na ang dinagdag nilang pondo ay para sa pagbili ng dagdag na 24,454 units ng body camera, na ang isa ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱33,000.


Aniya sa kasalukuyan, ay mayroon lamang 2,756 na operational body cameras ang PNP kung saan sa bilang na ito, 2,696 ang binili ng gobyerno habang ang 60 naman ay donasyon sa PNP.

Samantala, nasa 45,552 ang kabuuang kailangang body cameras ng PNP para sa buong Pilipinas.

Facebook Comments