Senado, tiniyak ang agad na pagtalakay sa national budget sa plenaryo

Nakatitiyak si Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe na maisasalang agad sa plenaryo ng Senado ang P6.352 trillion na national budget para sa 2025.

Ayon kay Poe, katunayan ay ahead o mas maagang inaasahang matatapos ang mga schedule ng mga pagdinig sa komite ng budget.

Sakaling maisumite agad ng lahat ng mga Vice Chairpersons ng committee at subcommittee on Finance ang kanilang mga committee reports ay handa naman si Poe na masponsoran agad sa plenaryo ng Senado ang panukalang pambansang pondo.


Batay aniya sa napagkasunduang schedule ng Senado at Kamara, ang pagpapasa ng General Appropriations Bill (GAB) ay itinakda sa October 25.

Magpapatuloy naman hanggang October 18 ang mga pagdinig sa komite at kung maisumite na ng Kamara ang kopya ng bersyon nila ng GAB ay saka pa lamang din maida-draft ng komite ang report sa Senado.

Facebook Comments