Senado, tiniyak ang pag-apruba ng marami pang panukala sa 2025

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na aaprubahan ang marami pang nakabinbin na panukalang batas sa pagbabalik sesyon sa Enero.

Siniguro rin ng Senate President na mas marami pa silang ipapasang panukala bago maging abala ang mga senador sa 2025 midterm elections.

Aminado si Escudero na magiging malaking hamon sa Senado ang pagsisimula ng kampanya sa susunod na taon at sa nalalabing mga araw bago matapos ang 19th Congress sa Hunyo ng susunod na taon.


Susulitin aniya nila ang mga natitirang session days para tuloy-tuloy na maibigay sa publiko ang serbisyong nararapat sa kanila.

Sa loob naman ng anim na buwan ay 108 na panukalang batas ang ipinasa ng Senado kung saan 72 rito ang nilagdaan bilang batas sa loob ng 3rd regular session at nasa kabuuang 106 na simple resolutions ang in-adopt ng Mataas na Kapulungan at siyam naman na concurrent resolutions.

Facebook Comments