Senado, tiniyak ang pagbibigay proteksyon kay Sen. Bato dela Rosa laban sa ICC

Hindi isusuko ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri tungkol sa posibilidad na arestuhin si Sen. Bato ng mga tauhan ng International Criminal Court (ICC) kaugnay na rin sa imbestigasyon sa war on drugs ng dating Duterte administration.

Pagtitiyak ni Zubiri, mayroong proteksyon na ipinagkakaloob ang Senado sa kanilang mga mambabatas na nahaharap sa imbestigasyon.


Inihalimbawa ng Senate president ang proteksyong ipinagkaloob noon kay dating Senator Antonio Trillanes kung saan siya pa ang majority leader.

Kung ano aniya ang proteksyong ibinigay ng Senado sa dating senador ay ito rin ang ibibigay kay Sen. Dela Rosa.

Hindi aniya isusuko ng Senado si Dela Rosa sa ICC lalo na sa mga panahon na may sesyon maliban kung may warrant of arrest na magmumula naman sa local court.

Muling binigyang-diin ni Zubiri na mayroong sariling batas ang Pilipinas na dapat sundin at kung maghahabol ang ICC ay dadaan muna ito sa koordinasyon sa lokal na korte ng bansa.

Facebook Comments