Senado, tiniyak ang patuloy na pagtalima sa One China Policy

Tiniyak ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senator Imee Marcos na patuloy na sumusunod ang Senado at ang komite sa One China Policy.

Ang One China Policy ay nakapaloob sa Joint Communique’ na nilagdaan ng Pilipinas at China noong 1975.

Ayon kay Sen. Marcos, sa gitna ng mga publicity na nabuo sa katatapos na halalan kamakailan sa Taiwan ay nananatili aniyang sumusunod ang Mataas na Kapulungan sa One China Policy kung saan ang dalawang bansa ay kapwa sumasang-ayon na lutasin ang lahat ng alitan sa mapayapang paraan na hindi gumagamit ng banta o pwersa.


Nanawagan si Sen. Marcos sa lahat na igalang ang patakaran at magtulungan para sa ikapapayapa at ikatatatag ng rehiyon.

Mababatid din na mas lalong tumindi ang tensyon ng China at Taiwan matapos ang halalan sa Taiwan kung saan nanalo bilang bagong pangulo ng Taiwan democratic politician si Lai Ching-te na kilala namang “separatist” at naninindigan na isang sovereign state ang Taiwan.

Facebook Comments