Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na hindi magiging ‘rubber stamp’ ang Senado sa ilalim ng bagong liderato ni Senate President Chiz Escudero.
Ayon kay Tolentino, hindi naman aniya mauuwi sa pagiging rubber stamp ang Senado dahil kung mababatid ay may naunang sinabi si Escudero na ipapatigil niya ang road-show ng mga pagdinig sa pag-amyenda sa economic provisions para sa Charter Change.
Matatandaang sinabi ni Escudero na tatalakayin niya ang Cha-Cha Bill sa mga myembro ng Mataas na Kapulungan pero hindi aniya mababago ang kanyang posisyon na pagtutol sa panukala sa kabila ng pagsusulong dito ng Kamara.
Iginiit ni Tolentino na kung ganito ang posisyon ng Senate president ay hindi matatawag na sunud-sunuran ang Senado.
Dagdag naman ni Tolentino na magiging cordial ang relasyon ng Senado sa Malacañang bilang sila ay pantay at hiwalay na sangay ng pamahalaan.