Maipagpapatuloy pa ni Senator Jinggoy Estrada ang kanyang tungkulin at trabaho bilang senador ng Pilipinas.
Ito ang tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa kabila ng hatol ng Sandiganbayan na guilty si Estrada sa mga kaso nito na direct at indirect bribery bagama’t sa kasong plunder ay inabswelto na ang senador.
Ayon kay Villanueva, hindi pa naman ‘final and executory’ ang desisyon ng Sandiganbayan laban kay Estrada at naniniwala sila sa Senado na may karapatan ang senador na gawin ang lahat ng legal na remedyo para baligtarin ang hatol.
Dahil dito, maipagpapatuloy pa rin ni Estrada ang kanyang tungkulin bilang senador ng bansa.
Tiwala rin si Villanueva na hindi maaapektuhan si Estrada at magpapatuloy itong magfocus sa kanyang trabaho at responsibilidad bilang mambabatas.