Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian na tanging mga pinaka-mahihirap at pinaka-nangangailangang sektor ang makakatanggap ng tulong o ayuda mula sa pamahalaan.
Ayon kay Gatchalian, bagama’t kinikilala ng Senado na kailangang suportahan din ang mga marginalized sector ng lipunan pero dapat na maging ‘targeted’ ang pamamaraan.
Ibig sabihin, dapat ang mga makakatanggap ng ayuda sa pamahalaan ay itong tunay na nangangailangan lamang.
Sinabi ni Gatchalian na siniguro na ng Senado ang mga government aid sa susunod na taon tulad sa fuel, subsidiya para sa mga pinakamahihirap at iba pang energy-related subsidies lalo pa’t patuloy na nakakaapekto sa bansa ang gyera sa Russia-Ukraine at ang COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Gatchalian, hangga’t naririyan ang girian sa Russia at Ukraine ay hindi malabong umangat sa $90 kada bariles ang presyo ng krudo sa susunod na taon habang tinatayang papatak ng P70 hanggang P90 kada litro ang lokal na presyo ng langis.
Sa panukalang budget na inaprubahan ng Senado, aabot sa P110.61 billion ang alokasyon sa 4Ps, P5 billion sa Pantawid Pasada Program habang kabuuang P2.3 billion sa subsidy para sa electrification.