Senado, tiwala na magiging patas na ang hatian ng service charge sa mga service industry matapos na ilabas ang implementing rules and regulations para dito

Tiwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na matitiyak na ang buo at patas na pamamahagi ng “service charge” sa lahat ng mga empleyado ng mga establisyimentong nangongolekta nito.

Ikinalugod ni Villanueva ang paglalabas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa implementasyon ng Service Charge Law o Republic Act 11360.

Sa batas ay isasama na rin sa makikibahagi ng service charge ang mga non-regular workers lalo’t naniniwala ang senador na deserve o nararapat ito sa kanila.


Noon pang 17th Congress ay isinusulong na ni Villanueva ang patas na pamamahagi ng service charge sa mga empleyado sa service industry anuman ang kanilang employment status.

Kasabay nito ay tiniyak din ni Villanueva ang patuloy na pagtutulak sa mga panukalang magbibigay proteksyon sa mga manggagawa kabilang na ang expanded unemployment insurance bill, hazard pay para sa mga manggagawa sa mga critical industries at security of tenure bill.

Facebook Comments