Senado, tiwala sa pagkakapili ng pangulo kay PMGen. Benjamin Acorda bilang bagong PNP chief

Tiwala ang mga senador sa pagkakapili ni Pangulong Bongbong Marcos kay Police Major General Benjamin Acorda bilang bagong pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, personal niyang nasaksihan ang pamumuno ni Acorda sa Police Regional Office 10.

Aniya, sa pamumuno ni Acorda sa Northern Mindanao, bumaba ng 9.40 percent ang crime rate sa rehiyon mula January hanggang June at naibalik din sa lugar ang tiwala ng mga residente sa law enforcers.


Kumpyansa si Zubiri na tulad sa ginawa ni Acorda sa Region 10 ay magagawa niya rin ito sa buong bansa.

Para naman kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ‘best choice’ si Gen. Acorda sa naturang posisyon dahil ito ay expose sa larangan ng intelligence partikular sa counter-intelligence bagay na kailangang-kailangan para sa internal cleansing program ng PNP.

Bukod dito, si Acorda rin aniya ay isang ‘silent operator’ at napakapropesyunal na opisyal na hindi marunong sumuko mula sa pressure ng mga makasariling politiko.

Facebook Comments