Manila, Philippines – Kumpiyansa si Senator Juan Miguel Zubiri na kikilalanin at igagalang ng Supreme Court ang kapangyarihang ng mataas na kapulungan na itinatakda ng ating konstitusyon.
Saklaw aniya nito ang kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon at i-contempt ang mga resource person na ayaw makipagtulungan sa mga pagdinig nito in aid of legislation.
Pahayag ito ni Senator Zubiri kaugnay sa sampung araw na ibinigay ng Korte Suprema sa Senado para magkomento sa petition for certiorari at petisyon para sa Temporary Restraining Order na inihain ni Arvin Balag.
Si balag ang sinasabing Pangulo o grand prefectus ng Aegis Juris Fraternity na siyang nagsagawa ng hazing kung saan nasawi ang freshman UST law student na si Horacio Atio Castillo III.
Simula noong October 18 ay nananatiling nakalulong sa Senado si Balag matapos i-contempt ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs dahil sa pagtangging sagutin ang kahit simpleng tanong ng mga senador sa hearing kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.
Ayon kay Senator Zubiri, magkatuwang na ngayong ginagawa ng legal team ng Senado at ng committee ang komentong isusumite sa Kataas Taasang Hukuman kaugnay sa petisyon ni Balag.