Senado, tuloy pa rin ang imbestigasyon bukas kahit hindi humarap si Pastor Apollo Quiboloy

Tuloy pa rin ang pagdinig ng Senado bukas kahit hindi haharap si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros, wala pang komunikasyon sa komite ang kampo ng KOJC kung dadalo si Quiboloy sa imbestigasyon.

Dahil naisilbi na ang subpoena ay inaasahan at obligadong humarap sa pagdinig si Quiboloy para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.


Sakaling hindi haharap ay mapipilitan na si Hontiveros na ipa-contempt at ipaaresto ang pastor.

Samantala, hindi naman panghihimasukan ni Hontiveros ang damdamin ng ilang mga senador na tila kumakampi kay Quiboloy basta’t ang mahalaga aniya ay tuluy-tuloy lamang sila sa kanilang pagtatrabaho.

Facebook Comments