Senado, tuloy pa rin sa imbestigasyon ngayong araw patungkol sa suhulan sa signature campaign ng pekeng People’s Initiative

Tuloy pa rin ang Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation sa imbestigasyon ngayong araw patungkol sa suhulan at iba pang reklamo para sa signature campaign sa pekeng People’s Initiative.

Ito’y kahit pa nagdesisyon na kahapon ang COMELEC en banc na suspindihin ang mga proceedings na may kinalaman sa People’s Initiative.

Alas-10:00 ngayong umaga idaraos ang pagdinig sa Session Hall ng Senado.


Naunang sinabi ni Electoral Reforms Committee Chair Imee Marcos na inaasahan niyang dadalo ang mga local officials ng mga lugar at iba pang mga testigo na nabayaran kapalit ng pirma.

Kasama rin sa mga inimbitahan ang ilang mga dating Supreme Court Justices, constitutionalists, ang People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA) habang ang mga kongresista na pangunahing itinuturo na nasa likod ng signature campaign ay nagpahayag na hindi dadalo matapos ang naging imbitasyon ng Senado.

Facebook Comments