Senado, tumangging ibigay sa Pampanga PNP si Major Rodney Baloyo

Hindi pinagbigyan ng Senate Blue Ribbon Committee ang utos ng San Fernando Regional Trial Court Branch 44 na pabor sa hiling ng Philippine National Police (PNP) Pampanga na makuha si Major Rodney Baloyo na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP).

Si Baloyo na umano’y isa sa mga tinaguriang ninja cop ay nakulong sa Bilibid matapos i-cite in contempt ng Senado sa pagdinig noong October 2019 ukol sa ninja cops.

Ayon kay Committee Chairman Senator Richard Gordon, kanilang napagkasunduan na huwag ibigay si Baloyo sa Pampanga PNP dahil hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon ukol sa mga ninja cops.


Sabi ni Gordon, kung gusto ng korte ay pwede namang idaan sa video conferencing ang pagtestigo ni Baloyo.

Kaugnay nito ay pinapatiyak naman ni Gordon sa Bureau of Corrections (BuCor) na ligtas si Baloyo sa COVID-19 na nakapasok na sa Bilibid at sinasabing dahilan ng pagkamatay ng ilang high-profile inmates.

Facebook Comments