Senado, tutulong sa pagbibigay ng seguridad sa pamilya ng isa sa mga nawawalang sabungero

Sa deriktiba ng liderato ng Senado ay tutulong na rin ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms sa pagbibigay ng seguridad sa pamilya ng isa sa 34 na nawawalang sabungero na si Ricardo Lasco na master agent ng e-sabong.

Ang naturang hakbang ay matapos tumestigo sa pagdinig ng Senado ang asawa, ina at iba pang kaanak ni Lasco at itinuro ang dalawang pulis na hinihinala nilang kasama sa mga nasa likod ng pagdukot.

Kaugnay nito ay sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms Retired General Rene Samonte, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na siyang nagbibigay ngayon ng seguridad sa pamilya ni Lasco.


Si Lasco ay tinangay ng nasa sampung lalaki mula sa kanyang bahay sa San Pablo, laguna at hinihinalang dahil ito sa umanoy pag-clone o panggagaya raw sa isang website na tinatayaan para sa online o e-sabong.

Facebook Comments