Senado, umaasa na magkakaroon ng consensus sa pagitan ng Kamara kaugnay sa Cha-cha bago ang 2025 election

Umaasa si Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Senator Sonny Angara na magkakaroon na ng consensus ang Senado at Kamara kaugnay sa charter change bago pa man ang 2025 midterm elections.

Target kasi na maisabay ang plebesito sa pag-amyenda ng Konstitusyon sa gaganaping halalan sa 2025.

Ayon kay Angara, alinsunod sa konstitusyon, dapat maitakda ang plebesito sa loob ng 60 hanggang 90 araw matapos maaprubahan ng Kongreso ang resolusyon.


Ipinaliwanag ng senador na dapat magkasundo ang dalawang kapulungan sa timeline ng plebesito na maisabay sa 2025 elections upang makatipid ang gobyerno.

Bukod sa makatitipid sa gastos, iginiit ng mambabatas na sa pamamagitan ng pagsasabay ng plebesito sa eleksyon ay mapapaikli rin dito ang proseso.

Facebook Comments