Senado, wala pang desisyon kung magsususpindi ng pasok ngayong araw

Hindi pa nagdedesisyon ang liderato ng Senado tungkol sa suspensyon ng pasok ngayong araw sa gitna na rin ng malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Enteng at Habagat.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, mi-nomonitor pa nila sa ngayon ang sitwasyon kung may mga baha na bang lugar dahil sa patuloy na pag-ulan.

Batay sa huling report sa kanila ng Metro Manila Development Authority (MMDA), wala pang mga lugar sa Metro Manila ang binabaha.


Ngayon kasing araw ay maraming nakatakdang pagdinig kabilang na ang pambansang budget at pagpapatuloy ng pagdinig ng Subcommittee on Human Rights tungkol sa usapin kung paano nakalabas ng bansa sina dismissed Mayor Alice Guo sa kabila ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Facebook Comments