Muling binigyang diin ni Senate President Tito Sotto III na walang ginawang ilegal na realignments ang senado sa 2019 budget.
Kaya hamon ni Sotto sa liderato ng Kamara ipa-veto kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabi nila na ilegal realignments na ginawa ng senado na sabotahe din sa build, build, build program ng administrasyon.
Sabi ni Sotto, lahat ng kanilang ginawa sa 2019 budget ay naka record sa journal, at nangyari ito sa plenaryo bago pa maaprubahan ng bicameral conference committee at maratipikahan.
Giit ni Sotto, nawawala na sa katwiran ang mga kongresista na nagpupumilit na senado pa ang may maling ginawa sa budget.
Sa tingin ni Sotto, ang mga alegasyon at mali maling impormasyon na ipinapakalat ngayon ng kamara ay bahagi ng pagsisikap ng mga kongresista na mahadlangan ang pag-veto ng pangulo sa kanilang mga pork barrel na isiniksik sa 2019 budget.