Walang napatunayan ang Senado sa tatlong pagdinig nito laban sa People’s Initiative (PI) na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon.
Ayon kay Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong, mismong mga testigo na pinahirap ng Senado ang nagsabi na wala silang natanggap na suhol para pumirma kaya lumalabas na ginagawan lamang ng kuwento ang PI upang maging masama ang imahe nito.
Bunsod nito ay umaasa si Adiong na ititigil na ng Senado umano’y isinasagawang ‘witch hunt’ kaugnay sa People’s Initiative.
Giit ni Adiong, ang dapat gawin ng Senado ngayon ay buhusan ng atensyon para agad na maaprubahan ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Ayon kay Adiong, gusto ba ng Senado na ipahiya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa katigasan ng ulo nito kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa mga economic provisions ng ating Saligang Batas.