MANILA – Tumanggi ang mga opisyal ng RCBC na magbigay ng detalye sa imbestigasyon ng Senado sa 81 million dollars na money laundering sa bansa.Ginamit ng mga opisyal ng bangko ang bank secrecy law at right against self-incrimination sa tanong mga Senador.Pumunta sa pagdinig si RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito pero tumanggi itong magbigay ng detalye dahil nasa Department of Justice na ang kaso.Itinanggi ni RCBC President and Ceo Lorenzo Tan ang paratang ni Deguito na siya ang nagbigay ng go signal para magbukas ng accounts kung saan naipasok ang milyung-milyong dolyar.Ayon naman kay Salud Bautista, Presidente ng Philrem Service Corp., inutusan sila ni Deguito na ilipat ang pera sa ilang casino.Paliwanag ni Deguito, sumunod lamang siya sa instruction pero hindi naman nito tinukoy kung kanino galing ang utos.Kinontra naman ni William Go ang pahayag ni Deguito na nagbukas siya ng account sa RCBC, pero inamin nyang kilala niya ito dahil naging branch manager ito ng East West bank kung saan siya may account.(Lou Catherine Panganiban – DZXL 558)
Senado, Walang Napiga Sa Mga Opisyal Ng Rcbc Kaugnay Sa Money Laundering Sa Bansa
Facebook Comments