Senador Bam Aquino, nilinaw na saklaw ng Free Higher Education For All Act ang lahat ng state universities at colleges

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senador Bam Aquino na saklaw ng “Free Higher Education For All Act” ang lahat ng State Universities and Colleges (SUC).

 

Ayon kay Aquino – ang mga estudyanteng nag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad na nasa ilalim ng pamahalaan ay magkakaroon ng libreng matrikula.

 

Bagamat aniya may grade requirement na itatakda ng Commission on Higher Education (CHED), hindi ito katulad ng academic scholarship na kailangan pang aplayan.

 

Dagdag pa ng Senador – hindi na kailangan pang magsumite ang mga estudyante ng income tax return ng kanilang magulang.

 

Sa ngayon, wala pang Implementing Rules and Regulations (IRR) ang panukalang batas.

 

Tiniyak din ni Aquino na magkakaroon ng sapat na pondo para tugunan ang libreng matrikula sa SUC.

Facebook Comments