MANILA – Pinalagan ng kampo ni Senador Bong-Bong Marcos ang mga pagbatikos ni Pangulong Noynoy Aquino sa rehimeng Marcos kasabay ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power 1 kahapon.Ayon kay ABAKADA Rep. Jonathan dela Cruz, campaign manager ni Marcos, lahat naman ng administrasyon ay may mga nagagawang mali pero hindi naman dapat sisihin maging ang mga anak sa pagkakamali ng isang presidente.Matatandaang kahapon ay binakbakan ni PNoy si Marcos sa hindi pagkilala sa pagkakamali ng kanilang pamilya at ang patuloy nitong pagtanggi na mag-sorry sa taumbayan sa isyu ng Martial Law.Ipinaliwanag din ni dela Cruz na 15-anyos pa lang si Sen. Bong Bong nang ipatupad ang Martial Law noong 1972.Bumanat din ang kampo ni Marcos at sinabing nagkamali rin si dating Pangulong Cory Aquino sa isyu ng Mendiola Massacre pero hindi naman nila pinilit si Pangulong Noynoy na humingi ng paumanhin sa publiko dahil dito.Alam nilang walang kasalanan si Pangulong Noynoy sa pagkamatay ng 13 magsasaka sa tinaguriang ‘Black Thursday’ noong 1987.Nanawagan din ang kampo ni Marcos na sa halip na bumatikos, dapat humanap na lamang ng paraan ang pangulo para mapagkaisang muli ang mga Pilipino.Kaugnay nito, pumalag din si Senador Juan Ponce Enrile sa paninisi sa kanila ng pangulo sa pagkakaipit ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).Ayon kay Enrile, panay ang paninisi ng pangulo pero hindi nito naiintindihan ang kasaysayan ng bansa.Sinabi pa ni Enrile na kung nais talagang maipasa ni P-Noy ang BBL ay dapat kinausap nito ang kanyang mga kaalyadong mambabatas sa kongreso.
Senador Bong-Bong Marcos At Senador Juan Ponce Enrile, Sumagot Na Sa Patutsada Ni Pangulong Noynoy Aquino Sa Rehimeng Ma
Facebook Comments