Senador Bong Go, handa nang paimbestigahan sa senado ang napaulat na patuloy na pagkubra ng WellMed Center sa nga pekeng dialysis patients

1601

Tiniyak Sen. Bong Go na handa siya na paimbestigahan sa pamumunuan niyang Senate Committee on Health ang napaulat na patuloy na pagkubra ng WellMed  Center sa mga  pekeng Dialysis patients.

 

Sa panayam ng Media matapos bisitahin kagabi ang mga nasunugang pamilya sa may Barangay Holy Spirit at sa Valenzuela City, sinabi ni Senador Bong Go na nakakagalit isipin na dahil sa korapsyon ay nababawasan ang pondo na para sana sa pagliligtas ng buhay.


 

Nakakalungkot aniya dahil ang ninanakawan dito ay ang mga maysakit na walang kakayayhang makapagpa opera sa kanilang malubhang karamdaman.

 

Idinagdag pa ni Go na hindi siya papayag na ang mga magagandang nagawa ng administrasyong Duterte katulad ng  Universal Healthcare Act at ang pagtatayo ng Malasakit Centers ay mapupunta sa wala dahil sa mga ganitong uri ng malawakang panlilinlang.

 

Aniya, sa sandaling mapatunayan na may nangyaring pangungulimbat sa kaban ng bayan, kinakailangan may makasuhan sa mga nagpakana ng naturang panloloko.

Facebook Comments