Senador Bong Go, hindi susuportahan ang anumang impeachment case laban kay Pangulong Duterte

 

Tiniyak ni Senador Christopher “Bong” Go na hindi niya susuportahan ang  anumang ihahain na impeachment case laban kay Pangulong  Rodrigo Duterte.

 

Sa panayam ng media matapos siyang makiisa sa selebrasyon ng jesus miracle crusade, sinabi ni Go na bagamat kinikilala niya ang karapatan ng sinumang grupo na magharap ng reklamo kung sa tingin nila ay mayroong nilabag ang pangulo,  hindi niya ito susuportahan laluna kung sa tingin niya ay hindi ito para sa interes ng bayan.

 

Ani Go, naniniwala siya na sa ngayon, bawat aksyon pangulo ay alinsunod sa  ikabubuti ng sambayanan.


 

Isa aniyang abogado ang pangulo at lahat ng ginagawa niya ay para sa kapakanan ng lahat

 

Naniniwala si Go na kung mayroon mang maghahain ng impeachment case, tiyak na mabibigo ito.

 

Nauna nang nagbata si Pangulong Duterte na ipapakulong niya ang sinumang magtatangkang magharap ng  impeachment case laban sa kaniya.

Facebook Comments