Senador Bong Go sa Baguio!

Baguio, Philippines – Personal na inilunsad ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang 50th Malasakit Center sa Baguio General Hospital at Medical Center (BGHMC) na inaasahang maghahatid ng tulong sa mga pasyente sa buong Luzon.

Ang dagdag na center ni Senador Go ay naglalayong magbigay ng kalidad na serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan sa mga Pilipino at isang one-stop shop na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na makakuha ng mas madaling tulong pinansiyal na medikal, bukod sa gawing mas simple ang proseso ng mga Pilipino upang humingi ng tulong sa apat na magkakaibang mga ahensya ng gobyerno.

Bukod sa BGHMC, napag-usapan din ni Senador Go at Benguet Governor Melchor Diclas ang posibleng pagtatatag ng isang Malasakit Center sa Benguet General Hospital. 


Dagdag pa ni Senador Go, aabot pa sa 73 pang Malasakit Center ang maitatag sa bansa.

Si Doctor Ricardo Runez, Chief of Hospital ng BGHMC, ay tinanggap ang pagtatatag ng Malasakit Center sa Baguio City na inaasahang makakatulong sa mga pasyente na nagmula sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Hindi lamang nagsisilbi ang BGHMC sa mga pasyente sa Cordillera kundi pati na rin sa iba pang mga lalawigan ng Luzon partikular sa hilaga.

iDOL, malaking tulong ito para sa ating hospital bills!

Facebook Comments