Senador Cynthia Villar, hindi pinaplanong ipagbawal ang unli rice

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senador Cynthia Villar na hindi niya pinaplanong ipagbawal ang unli rice.

Ito ay sa harap ng negatibong reaksyon ng publiko sa balitang isinusulong ng senadora ang unli rice ban.

Ayon kay Villar, pinapayuhan lamang niya ang mga pinoy na maghinay-hinay sa pagkain ng kanin dahil sa posible aniya itong maging sanhi ng diabetes at iba pang kumplikasyon sa katawan kung masosobrahan.


Mahalaga din aniyang na maituro sa mga bata ngayon ang pagkain ng mas maraming gulay at prutas kaysa sa karne.

*

Facebook Comments