Manila, Philippines – Nanawagan si Senadora Leila De Lima sa publiko na pakinggan ang naging pag-amin nina retired SPO3 Arturo Arthur” Lascañas at ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato kaugnay ng Davao Death Squad (DDS).
Sa isang sulat kamay na pahayag ni De Lima, sinabi nito na panahon na para pakinggan ito ng buong bansa at buksan ang kanilang mata sa mga naibunyag na ng dalawa at mga maaari pang ibunyag sa hinaharap.
Nauna ng sinabi ng senadora na ang naging testimonya ng dalawa ay “admissible” dahil galing ito sa kanilang personal na nalalaman.
Bahagi ng isinulat ni De Lima din ang mga katagang “Stop the killings, stop the lies.. Stop impunity!”
Parehong sinasabi ng dalawa na nagkaraoon ng DDS at idinadawit si Pangulong Duterte na noon ay akalde pa ng Davao city na siyang responsible sa mga pagpatay ng naturang grupo.
Sa ngayon ay nakakulong pa din sa PNP custodial center sa Camp Crame si De Lima dahil sa mga kasong kinakaharap nito na may kaugnayan naman sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.