Senador, dismayado sa Anti-Money Laundering Council dahil hindi na-detect ang money laundering sa POGO sa Tarlac

Sobrang dismayado si Senator Sherwin Gatchalian sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa kabiguan nitong ma-monitor o mabantayan ang pagpasok ng nasa tinatayang P6.1 billion na halaga ng pera para sa pagtatayo at operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac.

Ayon kay Gatchalian, dismayado siya sa AMLC dahil sa executive session para sa human trafficking at cyber-fraud operations ng mga POGO ay walang maibigay na ulat ang tanggapan sa kanilang mga senador.

Aniya, 2019 sinimulang itayo ang POGO sa Tarlac na iniuugnay kay Mayor Alice Guo at dapat noon pa lang ay na-detect na ng AMLC ang pumapasok na pera dito.


Ngayon aniya na 2024 ay dapat may ibinigay na report o detalye sa kanila ang AMLC pero walang dokumento ng electronic na pagpasok ng pera, maging ang tumanggap at mga binili na equipment at iba pang kagamitang kailangan para sa construction ng gusali ng POGO na itinayo sa loob ng Baofu compound.

Giit ni Gatchalian, hindi nagampanan ng AMLC ang kanilang mandato na maghanap ng source ng money-laundering at sa halip ay hinayaan lang nila na parang bula na mawala at makalusot ang ganitong iregularidad.

Facebook Comments