Senador, dismayado sa pagkakatalaga kay PMGEN. Nicolas Torre III bilang PNP Chief

Inamin ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na dismayado siya sa pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay PMGen. Nicolas Torre III bilang bagong Philippine National Police (PNP) Chief.

Para kay Estrada, hindi “good choice” si Torre at ngayon lang aniya tayo magkakaroon ng tinawag niyang napakaaroganteng PNP Chief.

Duda rin ang mambabatas na posibleng kapalit ito sa mga ginawa ni Torre tulad ng pagkakabilanggo ni Pastor Apollo Quiboloy at pagpapaalis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong The Hague.

Pinayuhan naman ni Estrada si Torre na maghinay-hinay lang at huwag masyadong mayabang.

Aniya pa, sana rin ay huwag sirain ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng Pangulo na mamuno sa PNP.

Umaasa naman si Estrada na tututukan ni Torre ang pagpapataas ng kumpyansa ng publiko sa PNP at pagresolba sa talamak na krimen, unreported kidnapping, at iligal na droga.

Facebook Comments