Senador, gagawa ng paraan para mapilit ang NGCP na magbigay ng refund sa mga consumers

Binigyang garantiya ni Senator Sherwin Gatchalian na gagawa siya ng mga hakbang para ma-i-refund ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga consumers ang mga siningil nito para sa mga hindi pa tapos na proyekto.

Kabilang sa mga balak gawin ni Gatchalian, na Vice Chairman ng Committee on Energy, ay ang pilitin ang Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan sa lalong madaling panahon ang nasabing usapin.

Ipapabawi rin ng senador sa ERC ang lahat ng mabibigat na regulasyon na nakapipinsala sa mga consumers.


Balak rin ng senador na maghain ng petition sa ERC para sa refund ng mga consumer.

Lahat aniya ito ay gagawin ng mambabatas bilang isa ring consumer at bilang kinatawan ng taumbayan at ng Senado.

Una nang pinanawagan ng senador na ibalik ng NGCP ang mga kinolekta nito sa mga consumer para sa mga unfinished projects.

Facebook Comments