Manila, Philippines – Binigyang diin ni Senator Richard Gordon na kwalipikado si Wilma Eisma bilang chairperson ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA at tama lang na inendorso niya ito.
Sagot ito ni Senator Gordon, sa pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV na ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Eisma sa SBMA ay reward sa pagtatanggol ni Gordon sa mga taga-administrasyon.
Pero ayon kay Gordon, hindi dapat idinadamay ni Senator Trillanes na pambala sa kanya si Eisma.
Giit pa ni Gordon, huwag ng patulan ang mga atake ni Trillanes sa kanya dahil wala na aniya itong kredibilidad.
Facebook Comments