Senador Gordon sa Baguio!

Baguio, Philippines – Pinag iisipan ngayon sa Senado ang pagpapatigil sa pagpapatayo ng mga matataas na building sa Baguio City.

Sa Senate Hearing na pinangunahan ni Senador Richard Gordon ay pinagusapan ang paghahain ng isang panukala tungkol sa Development Authority sa Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay.

Nagpahayag naman si Monin Navarro mula sa Baguio Heritage Foundation Inc. ng suporta para sa plinaplanong panukala dahil ayon sa kanya ay dapat ay magkaroon ng building moratorium o pansamantalang pagpapatigil sa pagpapatayo ng mga building.
Humingi ng tulong si Navarro kay Gordon para sa pag pe-preserba sa green park sa Baguio Convention Center na pag-aari ng GSIS kung saan ay may balita di umano na balak umano itong ibenta sa condominium developer. Ayon naman kay Undersecretary Adoracion Navarro ng NEDA ay kailangan umanong mag focus at dapat i-consider ang carrying capacity ng Baguio City.


| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments